Hustisya ang sigaw ng pamilya ng isang 19 anyos na dalaga matapos na ginahasa at pinatay ng suspek na nakilala lamang sa social media sa bayan ng Bautista dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Lungkot at puno ng hinagpis ang pamilya ng biktima na si Catherine Cuison residente ng Barangay Lucao, Dagupan City.
Natagpuang patay at naaagnas na si Catherine sa isang bakanteng lote sa bayan ng Bautista, Pangasinan.
Ayon sa pamilya ng biktima, nag-post si Catherine sa social media para maghanap ng trabaho.
Nabatid na may lalaking nag-chat umano sa kanya at nag-alok ng trabaho. Sumama si Catherine sa kagustuhang makahanap ng trabaho pero wala ng buhay nang makita ito at pinaghihinalaang ginahasa.
Ayon sa Pulisya, nahuli na ang 21-anyos na suspek. Umamin ito sa ginawang pagpatay at panghahalay sa biktima.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nangyaring krimen.