Matinding selos ang nakikitang motibo ng pagpatay sa isang 37 anyos na lalaki  sa lungsod ng Urdaneta.

Kinilala ang biktima na si Jun Cordejon na residente ng barangay Bactac ng nasabing siyudad habang ang suspek ay nakilalang si Jimmy Biado, 39 anyos magsasaka at residente rin sa naturang lugar.

Base sa salaysay ng suspek, nahuli umano niya ang kaniyang asawa na kausap ang biktima sa cellphone para magkita sa lungsod ng Urdaneta.

--Ads--

Nagbunga ito ng pagaaway ng suspek at kaniyang misis .

Dahil sa pangyayari, sinugod ng suspek ang biktima sa palayan kung saan nagpapastol ito at doon na sinaksak ang biktima gamit ang bolo nito.

Agad na  isinugod ang biktima sa UC district hospital ngunit binawian din ito ng buhay.

Samantala, kusa namang sumuko ang suspek sa mga opisyal ng barangay at kasalukuyang nasa kustodiya na ng Binalonan Polive station.