Bukas ang Waste Management Division (WMD) ng lungsod ng Dagupan na makipag-ugnayan sa mga kalapit lugar na posibleng magbukas ng sanitary landfills.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bernard Cabison, Head ng Dagupan WMD, mismong ang Environmental Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nag-abisong sa Metro Clark sa Pampanga na dalhin ang mga nakokolektang basura sa siyudad makaraang magsara ang sanitary landfill sa lungsod ng Urdaneta, ngunit kung sakaling matuloy aniya ang mga napapaulat na pagsasagawa ng sanitary landfill ng bayan ng Sual at San Fabian ay handa silang makipag-ugnayan sa mga ito.

Kaugnay nito, siniguro ni Cabison na mayroong nakalaang pondo sa para sa kanilang tanggapan upang tugunan ang iba pang problema sa basura sa naturang lungsod.

--Ads--

Sa katunayan umano ay inaprubahan na kamakailan lang ng Sangguniang Panlungsod ang kanilang additional supplemental budget.

Tinig ni Bernard Cabison

Siniguro naman ng Dagupan WMD na mayroong 3rd party waste collector ang mga ospital sa loob ng siyudad upang mangolekta ng kanilang mga infectious waste.

Kasama na riyan maging ang mga infectious waste mula sa isolation facilities at Dagupan City Health Office (CHO).

Nagpulong na rin ang samahan ng dental clinics sa lungsod na siyang nais ding magpatulong na mapabilang sa naturang kaayusan.

Tinig ni Bernard Cabison

Samantala, tiniyak ni Cabison na mayroong garbage inspectors sa lahat ng mga barangay sa siyudad ng Dagupan na sumusuri kung naka segregate ang kani-kanilang mga basura.

Ito ay upang matukoy kung isasama ang mga naturang basura na kokolektahin na siya namang dinadala sa Metro Clark sa Pampanga.

Positibo naman ang tugon ng ilang vendors sa lungsod hinggil sa pagkolekta ng kanilang mga basura sa loob ng mga pamilihan gayundin sa paglilinis ng mga ito.

Ito ay dahil na rin sa regular nilang garbage collection lalong-lalo na umano sa business districts ng siyudad.

Bagaman ganoon ay mayroon pa ring ilang lugar sa lungsod ang hirap silang mamintina ang kalinisan gaya na lamang ng mga ilog at sapa.

Tinig ni Bernard Cabison

Bilang halimbawa, sa bahagi umano ng De Venecia ay nagsasagawa sila ng clean up drive, minsan sa isang buwan at noong una ay umabot sa dalawang truck ng basura kasama ng water lilies ang kanilang nakuha.

Samantala, bumalik na umano sa dating dami ng basura ang kanilang nakokolekta.

Umaabot na sa 45-50 tons ang kanilang nakokolekta sa isang araw, at inaasahan pang mas tataas sa panahon ng tag-ulan.