DAGUPAN CITY- Pinangunahan ni PLTCOL Brendon B. Palisoc, Hepe ng Dagupan City Police Station, ang isang staff conference kaugnay ng seguridad para sa nalalapit na 2025 National at Local Elections.
Ginanap ang pulong sa himpilan ng pulisya sa AB Fernandez West, Dagupan City noong Mayo 8, 2025.
Tinalakay dito ang mga hakbang para matiyak ang mapayapa, maayos, at ligtas na halalan.
Kabilang sa mga pangunahing paksa ang maayos na deployment ng mga pulis, koordinasyon sa lokal na pamahalaan at COMELEC, pagbabantay sa mga posibleng banta sa seguridad, at pagpapanatili ng kaayusan bago, habang, at pagkatapos ng halalan.
Binigyang-diin ni PLTCOL Palisoc ang kahalagahan ng pagiging patas, disiplinado, at mapagmatyag ng bawat pulis.
Aniya, tungkulin ng PNP na tiyakin ang integridad ng halalan at protektahan ang karapatan ng bawat mamamayan.
Isang malinaw na senyales ito ng dedikasyon ng Dagupan City Police sa isang halalang ligtas at kapani-paniwala.