Dagupan City – Matapos ang paggunita ng Semana Santa, isa naman sa pinaghahandaan at tinututukan ngayon ng mga kapulisan mula sa Dagupan City at iba’t ibang ahensya at departamento ay ang paggunita ng bangus festival sa syudad.
Ayon sa naging panayam kay Pltcol. Brendon Palisoc ang syang Chief of Police ng Dagupan PNP nauna na rin silang nagsagawa ng pagpupulong ukol dito Lalo na at taunan itong inaabangan ng residente sa Dagupan gayundin ang mga bisita. Aniya na masusing pinagplanuhan nila ito dahil sa mga nagdaang selebrasyon ng bangus festival ay nakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko at ibang mga insidente kaya naman kanilang titiyakin ngayon na magiging maayos ang naturang selebrasyon.
Dagdag pa aniya na umabot pa sa higit milyon ang naitalang mga bisita sa nakalipas na taon at ngayon ay muling inaasahan nila ito kaya naman ay maaga pa lamang nagsagawa na sila ng pagpupulong para maiwasan ang mga problema na posibleng kaharapin.
Tuloy tuloy naman aniya ang kanilang ginagawang pagbabantay sa seguridad at sa mga papmpublikong lugar sa syudad.