DAGUPAN CITY– Mariing pinabulaanan ni PLt. /Col Abubakar Mangelen, Jr. hepe ng PNP Dagupan na may insidente ng kidnapping dito sa siyudad .

Ginawa ni Mangelen ang pahayag dahil na rin sa pagkabahala ngayon ng publiko matapos kumalat sa social media na may mga kidnapping syndicates na umiikot sa mga probinsiya na ang modus ay ibenta ang mga internal organs ng kanilang nabibiktima sa ibang bansa.

Ayon kay Mangelen, matagal na itong urban legend na kumakalat.

--Ads--

Walang dapat na ipangamba lalo na ang mga dagupenos dahil may mga safety measures ng ginagawa ang kapulisan sa simula pa lang ng mga klase upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante, guro at magulang.

PLt. /Col Abubakar Mangelen Jr. COP- PNP Dagupan

May mga nakadeploy na aniyang kapulisan sa mga paaralan sa lungsod.

Humihingi naman ng suporta si Mangele sa lahat ng residente gayundin sa mga turista na maging alerto at maging mapagmatiyag.

Ayon kay Mangelen, agad ipagbigay alam sa himpilan ng PNP ang lahat ng naoobserbahan na kahina-hinalang tao,o mga kahinahinalang galaw ng tao, mga kahinahinalang mga sasakyan o aktibidad para agad na mapuntahan ng pulis at maimbestigahan.

PLt. /Col Abubakar Mangelen Jr. COP- PNP Dagupan

Una rito may mga kumalat sa social media na may mga kidnapping syndicates na umiikot sa mga probinsiya na ang modus ay ibenta ang mga internal organs ng kanilang nabibiktima sa ibang bansa.