DAGUPAN CITY–Pinabulaanan ng Dagupan City Police Station ang ilang mga alegasyon patungkol sa kanilang kampaniya kontra iligal na droga.

Giit ni Police Lt./Col. Abubakar Mangelen Jr, Chief of Police ng Dagupan PNP, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, bunsod ng kanilang maigting na kampanya, nadarakip ng tuluyan ang mga indibidwal na nasasangkot sa anumang iligal na gawain.

Gayunpaman, hindi aniya ito nangangahulugan na tumataas ang bilang ng mga taong gumagamit ng droga.

--Ads--

Aniya, hindi ito dapat ikabahala ng mga residente dito sa lungsod ng Dagupan bagkus ito’y patunay lamang na ang Dagupan City Police Station kasama na ang hanay ng PDEA at mga Barangay Officials ay nagkakaroon ng ugnayan na nagreresulta sa pagkakahuli ng mga drug personalities na bumabalik sa mga iligal na gawain.

Sa katunayan ayon pa kay Mangelen, dahil sa kanilang ginagawang kampanya, maituturing na isang contender ang kanilang himpilan sa boung probinsya kung pagbabasehan ang kanilang mga accomplishment laban sa iligal na droga .