Dagupan City – Matagumpay na nakilahok ang Dagupan City Police Station sa ika-4 na Quarterly National Simultaneous Earthquake Drill.

Pinamunuan ito ni Pltcol Brendon B. Palisoc, Chief of Police ng Dagupan PNP, katuwang ang mga police trainees at mga kliyente.

Layunin nito na ipaalala at masanay ang kahalagahan ng paghahanda sa oras ng lindol, pati na rin ang mga tamang hakbang upang manatiling ligtas.

--Ads--

Binigyang diin din dito ang mga tamang hakbang na dapat gawin sa oras ng sakuna, tulad ng pag-DUCK, COVER, at HOLD.

Sa ganitong mga aktibidad, ipinapaalala sa lahat na laging mag-ingat at maging alerto sa mga posibleng sakuna tulad ng lindol. Ang pagiging handa ay makakatulong upang maiwasan ang mas malalaking pinsala at matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.