‎Nagsagawa ng drainage inspection ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga lugar na madalas bahain, lalo na tuwing high tide at malalakas na pag-ulan.

‎Ayon sa initial assessment, may mga drainage outlet na nakakaranas ng reverse flow o pagpasok ng tubig mula sa ilog at dagat, na nagpapalala sa pagbaha sa mga mabababang lugar.

‎Bilang tugon, naglatag ang LGU ng mga panukalang flood control structures tulad ng pumping stations, check gates, at pagsasaayos ng mga drainage system upang mapigilan ang pagtaas ng tubig.

‎Patuloy ang monitoring sa lebel ng tubig sa mga pangunahing daluyan habang inihahanda ang mga rekomendasyon para sa posibleng pondo at implementasyon ng mga proyekto.