Dagupan City – Binawasan ng LGU Dagupan ang araw-araw na biyahe ng pito nitong garbage truck mula tatlo o apat na beses sa dalawang beses lamang, na nagdadala ng basura sa private processing plant sa Barangay Catablan, sa syudad ng Urdaneta.

Bawat truck ay nagdadala ng humigit-kumulang 14 tonelada kada biyahe, mula sa kabuuang 70 toneladang basura na nalilikha araw-araw.

Ayon sa Dagupan City Waste Management Division, hindi naman maaapektuhan ang koleksyon ng basura sa lungsod.

--Ads--

Samantala, nakokolekta ang biodegradable waste tuwing araw ng Lunes, Miyerkules, at Biyernes, habang ang non-biodegradable waste naman ay tuwing araw ng Martes, Huwebes, at Sabado.