Nag-anunsyo ng pagbaba ng generation rate ang Dagupan Electric Corporation o DeCorp na nagresulta ng pagbaba ng kanilang singil sa kuryente.

Ayon kay Atty. Randy Castilan, ang legal officer ng naturang korporasyon, nasa 71 centavos per kilowatt hour (kWh) ang ibinaba nito na mas mababa kumpara noong Disyembre 2022.

Matatandaang nagkaroon ng pagtaas ng rate ang DECORP sa kanilang mga konsyumers sa lungsod ng Dagupan dahil sa sunud sunod na pagtaas ng petrolyo makaraang taon.

--Ads--

Bagaman nagkakaroon pa rin ng paggalaw sa presyo ng petrolyo, ang dahilan aniya ng pagbaba ng singil ng naturang korporasyon ay dahil nagkaroon ng kooperasyon ang pagkakabit nila ng mga solar sa ilang lugar sa Sta. Barbara.

Ayon pa kay Castilan, kung pagsasamahin ang kanilang mga items sa resibo, ang average selling rate nila ay may kabuuang P14 per kilowatt hour (kWh).

TINIG NI ATTY. RANDY CASTILAN