DAGUPAN, CITY— Inihayag ng Dagupan City Water District na kasalukuyan ay pinag-aaralan nang mabigyan ng kinakailangang solusyon sa kanilang mga concessionaires sa ilang barangay sa lungsod na mayroon pa ring mahinang supply at volume ng tubig.

Ayon kay Marge Navata, tagapagsalita ng Dagupan City Water District sa kanilang ginagawang inspection ay natukoy ang mga parte sa siyudad na mayroon paring mahinang volume ng tubig at inuumpisahan ito sa pamamagitan ng pag monitor ng mga pumping stations at karamihan naman sa mga ito ay gumagana at nagagamit pa.

Ngunit ang nagiging problema lamang umano sa mga parte na mahina ang tubig ay kinakailangan na ding magdagdag ng mga pumping stations lalo na sa mga lugar na mas malawak at mas madami ang kanilang mga concessionaires ngunit pag aaralan pa ito upang hindi rin mangyari ang posibilidad na magkatoon ito ng eoekto sa mga pumping stations na maaring makapagpalala sa sitwasyon ng mahinang supply ng tubig.

--Ads--

Sa kabila nito ay tinitiyak parin naman ng naturang tanggapan na matutugunan ang reklamo ng mga concessionaires lalo na at mas napapadali ang ilang mga operasyon at aktibidad simula ng magkaroon ng joint ventures.

Tinig ni Marge Navata, tagapagsalita ng Dagupan City Water District

Samantala, pinawi naman ni Navata ang pangamba ng kanilang mga consumers kaugnay sa posibilidad na magtaas ng singil dahil sa PAMANA dahil hindi pa naman umano ito agad na mararamdaman sa dalwang magkasunod na taon at kung sakali man na may pagbabago dito ay agad naman silang magbibigay ng abiso. (with reports from: Bombo Mariane Esmeralda)