Sinimulan ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang pagtalakay sa panukalang limang porsiyentong Local Disaster Risk Reduction and Management Fund o LDRRM Fund para sa taong 2027.

Layunin ng pondo na suportahan ang mga programa at hakbang para sa disaster preparedness, response at risk reduction sa lungsod.

Bahagi ito ng isinagawang pagpupulong ng lokal na konseho na nakatuon sa kaligtasan ng mga residente at paggamit ng pondo para sa mga pangangailangan sa panahon ng sakuna.

Pinangangasiwaan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ang implementasyon ng mga kaugnay na programa.

Dumalo sa pagpupulong ang mga opisyal ng Sangguniang Panlungsod, mga kinatawan ng Liga ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan, kasama ang mga department head, punong barangay, national government agencies, civil society organizations at iba pang kinatawan ng lungsod.

Inaasahang pagtutuunan ng talakayan ang wastong paglalaan at paggamit ng LDRRM Fund upang matiyak na magiging sapat ang kahandaan ng lungsod sa mga posibleng kalamidad at iba pang emergency situation sa darating na taon.

--Ads--