Mahigpit na imomonitor ng mga otoridad dito sa lungsod ng Dagupan sa oras na tuluyang maipatupad ang Ordinansang nagbabawal para sa mga motorista na gumamit ng maiingay na mga tambutso o noisy muffler.

Ayon kay PltCol Lawrence Keith Calub ang siyang Chief of Police ng Dagupan City Police Station na aabot sa isang libo hanggang tatlong libo ang multa sa mahuhuli nilang gagamit nito at lalabag sa naturang ordinansa.

Magiging katuwang ng PNP ang mga brgy. Officials, Public Order and Safety Office o POSO para sa mahigpit na magpapatupad nito at magsasagawa rin muna sila ng decibel meter na isang aparato na ginagamit upang sukatin ang intensity ng tunog ng isang tambutso.

--Ads--

Anya na kabilang sa inilahad sa ordinansa ay dapat nasa maximum up to 99 decibel meter lamang at kapag lumagpas ito ay maikokonsidera ng noisy muffler.

Bukod sa multa ay kukumpiskahin din ng mga otoridad ang mga maingay na tambutso.

Samantala, bago naman ito anya na maipatupad ay bibigyan ng sapat ng panahon ang mga motorista at mga establisyemento o stalls kaugnay sa naturang ordinansa.