Dagupan City – ‎Nakiisa ang Dagupan City sa sabayang pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Philippine Civil Service sa pamamagitan ng 2025 Fun Run for a Cause na inilunsad ng Civil Service Commission ngayong Setyembre.

‎Idinaos ang aktibidad sa apat na pangunahing lugar sa rehiyon: CSI Mall Grounds sa Dagupan City, Poro Point Baywalk sa La Union, Aurora Park sa Laoag City, at Farmers Livelihood Center sa Vigan City.

‎Ang fun run ay bilang pagkilala sa kontribusyon ng mahigit dalawang milyong kawani ng gobyerno sa buong bansa at makalikom ng pondo para sa mga makataong programa ng CSC.

‎Bitbit ang temang “Bawat Kawani, Lingkod Bayani,” pinagtibay ng aktibidad ang suporta ng mga lokal na pamahalaan sa adhikain ng makabuluhang serbisyo publiko.