Nakapagtala ang lungsod ng Dagupan ng kauna unahang nasawi dahil sa covid -19 matapos lumabas ang resulta ng test mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM)na positibo sa covid 19 virus ang isang pasyente na under investigation (PUI), na nasawi noong April 2 habang ginagamot sa isang ospital dito sa lungsod.
Ang pasyente na isang 80 anyos na lalaki mula sa barangay Pogo Chico, ay ikaanim na confirmed Covid-19 case at kauna unahang nasawi sa nasabing sakit dito sa lungsod.
Kabilang ito sa tatlong PUIs na nasawi noong nakalipas na linggo bago pa lumabas ang resulta ng isinagawang test sa kanila.
Ayon sa mga health officials, namatay ang pasyente habang ginagamot sa Region 1 Medical Center noong April 2.
Kaagad namang itong na cremate kinabukasan ng April 3, 2020, bilang tugon sa protocol ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task For for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Nabatid na wala siyang travel history pero nakasalamuha ang isang tao na nanggaling sa Metro Manila. Dati na itong may sakit na diabetes mellitus.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ang mga medical personnel mula sa DOH at City Health Office ng contact tracing.
Isinailalim na rin ang kanyang pamilya sa strict home quarantine.
Kaugnay nito, hinimok ni Dagupan city mayor Lim ang mga residente sa lungsod na manatili lamang sa kanilang bahay at magsuot palagi ng face mask kapag sila ay lalabas na bumili ng pagkain o gamot.
Muli ring pinaalala ng alkalde na ugaliin ang good hygiene, gaya ng palagiang paghuhugas ng kamay at disinfection