Inanunsyo ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim na nakamit na ng lungsod ng Dagupan ang 70 percent na target na mabakunahan.

Ayon kay Lim, kung tutuusin ay lampas na ang bilang kung pagbabasehan ang output ng LGU Dagupan dahil hindi pa kasama rito ang output na manggagaling sa Regio I Medical Center, mga pribadong ospital at pribadong negosyo na nagkaroon ng sariling pagbabakuna.

Sa kanyang pagtaya ay aabot na sa humigit kumulang 80 percent ng target na populasyon ang nabakunahan dito sa lungsod.

--Ads--
Dagupan City Mayor Marc Brian Lim

Gayunman, sinabi ni Lim na ginagawa ng pamahalaan na mapabilis ang pagbabakuna sa mga mamayan upang mapaghandaan ang lumabas na panibagong variant.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng city government ang pag-aaral ng mga eksperto at scientist tungkol sa omicron variant bago magpatupad ng panibagong mga panununtunan sa lungsod

Dagupan City Mayor Marc Brian Lim

Sa ngayon ay nasa magandang kalagayan ang ciudad dahil mababa na ang kaso ng covid 19.

Samantala, dahil sa banta naman ng bagong variant ng covid ay sinabi ng alklalde na dapat napag aralan pang mabuti kung magsasagawa na nga ng limited face to face classes.

Kaya mahalaga aniya na mabakunahan ang lahat ng mga estudyante.