Naglabas ng Executive Order No. 51 si Dagupan City naglabas ng EO 51; mga residenteng malapit sa ilog at dagat, binalaan sa pagtaas ng tubig bilang tugon sa patuloy na pag-ulan at pagtaas ng lebel ng tubig sa ilang bahagi ng lungsod.
Ayon sa alkalde, nasa orange rainfall warning level na ang Dagupan City, habang tumaas ang lebel ng Sinucalan River mula 5.9 metro hanggang 7.2 metro.
Dahil dito, pinaalalahanan ni mayor Fernandez ang mga residente sa mabababang lugar na posibleng maapektuhan ng pag-apaw ng Sinucalan River, partikular sa mga barangay ng Lasip Grande, Lasip Chico, Bacayao Sur, Bacayao Norte at Pogo Grande.
Pinag-iingat din ang mga nakatira malapit sa ilog at baybayin dahil sa patuloy na pagdaloy ng tubig mula sa mga dam sa upstream areas.
Limang gate ang nakabukas sa Ambuklao Dam habang anim na gate naman ang nakabukas sa Binga Dam.
Samantala, nananatiling passable ang A.B. Fernandez Avenue, Rizal Street, Caranglaan–Mayombo at Tapuac–Lucao, ngunit pinapayuhan ang mga motorista na mag-ingat dahil maaari pang magbago ang lagay ng kalsada bunsod ng patuloy na pag-ulan at pagtaas ng tubig.
Patuloy namang minomonitor ng mga awtoridad ang lebel ng mga ilog at kondisyon ng mga mabababang lugar upang agad na makapagsagawa ng kinakailangang hakbang sakaling lumala ang pagbaha.









