Nakatakdang makipagpulong si Dagupan City mayor Mark Brian Lim kay Department of Health sec. Francisco Duque III sa susunod na linggo.
Hihilingin ni Lim kay Duque na gawing pilot area ang ciudad sa pamamahagi ng bakuna.
Tiniyak ni Lim na mabibigyan ng bakuna ang lahat ng mga Dagupeno.
Sa kasalukuyan ay bumuo ng vaccination team sa lungsod ng Dagupan bilang paghahanda sa pagdating ng bakuna.
Nais ng alkalde na bago pa dumating ang bakuna ay handa na ang LGU sa pamamahagi nito sa publiko.
Dagdag pa ng alkalde na nakipagpulong na siya sa mga kinatawan ng Pfizer at napag usapan ang mode ng procurement, refrigeration requirement at marami pang iba.
Bukod sa Pfizer, kukuha rin ang city government sa ibang source ng bakuna gaya ng moderna.
Gayunman lahat ng klase na bakuna na dumating basta aprubado ay kanilang tatangkilin. Pero giit ni Lim na dapat munang makumbinsi ang mga tao na magpabakuna.