DAGUPAN, CITY— Tiniyak ng Dagupan City LGU na nakahanda ang kanilang tanggapan sa pag-iimplementa ng guidelines kasunod ng pagtaas sa Alert level 3 status ng lungsod simula January 9.

Ayon kay Dagupan City Mayor Marc Brian Lim, maigting ang kanilang gagawin na pagbabantay sa mga pangunahing mga establisyemento sa siyudad partikular na ang mga malls, restaurants at bars.


Aniya, magkalapit lamang din umano ang mga implementing guidelines ng Alert level 3 status mula sa IATF sa kanilang ginawang Executive order kamakailan.

--Ads--


Upang magkaroon ng uniformed curfew, parehong 9pm-6am ang curfew hours sa lumgsod, gayundin ang paglimita muna sa kapasidad at operasyon ng mga outdoor at indoor establishment.

Sa naturang alert level status, nasa 30 percent lamang ang papayagang operasyon sa indoor establishment habang 50 percent lamang sa outdoor establishment.


Hindi rin muna papayagan na lumabas ang mga may edad 12 taong gulang sa kanilang bahay lalo na ang mga hindi pa bakunado, gayundin ang pagsasagawa ng face to face classes, iba’t ibang recreational activities, at maging ang pagsasagawa ng mga mass gatherings na maituturing na mga super spreader ng COVID-19.


Nagpaalala din si Lim na sa muling pagtaas ng kaso ng nabanggit na sakit sa bansa, kinakailangan ng pamahalaan ang disiplina ng bawat isa upang hindi na humaba ang mararanasang hirap dahil na rin sa mga ipapataw na mahigpit na quarantine restrictions.