DAGUPAN, CITY— Isinasapinal na ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dagupan at City Health Office ang vaccination plan ng kanilang nasasakupan kontra sa COVID-19.

Ayon kay Mayor Marc Brian Lim, kanyang sinabi na naipresenta na umano ng CHO ang naturang plano, kasama na riyan ang nakalaang budget, mga aparato o equipments, at maging ang ilang layout na gagamitin para sa kanilang gagawing hakbang.

Aniya, pinaplano na rin nilang isumite sa tanggapan ng Department of Health, at kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang nabanggit na plano.
Nais din ng naturang alkalde na maging pioneer ang lungsod sa pagbabakuna sa COVID-19 vaccine dito sa Pangasinan.

--Ads--
Tinig ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim

Sa katunayan, nakapag-canvass na umano ang kanilang hanay ng ultra cold storage para sa darating na moderna at pfizer vaccines na mula naman sa national government.

Pagtitiyak pa ni Lim na mapopondohan nila ang nasabing plano at “impressed” umano siya sa inilatag na ideya ng CHO ukol sa plano sa pagtuturok ng COVID-19 Vaccine sa siyudad. (with reports from: Bombo Framy Sabado)