Dagupan City –Tinututukan ngayon ng Dagupan City Health Office ang mga sakit na dulot ng ulan ngayong nalalapit na ang panahon nito.
Ayon kay Dr. Ophelia Rivera ang Dagupan City Health Officer ng nasabing opisina, hindi nawawala ang mga sakit na ubo at sipon kapag umuulan.
Dagdag pa ang inaasahan pagtaas ng kaso ng Dengue at leptospirosis lalo na kapag may mga pagbaha na sa lungsod.
Aniya, wala pa namang naitalang mga kaso sa mga nabanggit na sakit sa kanilang opisina kaya nagbibigay na lamang muna sila ng mga paalala na naailangan paring ng pag-ingat sa mga sakit.
Samantala, kakatapos pa lang din umano ang isinagawang programa nila para sa mga nanay noong Mother’s Day at nagpapatuloy ang kanilang bakunahan sa bawat barangay sa lungsod kung saan ay target nilang mabakunahan lahat ng mga bata o sanggol upang makaiwas ang mga ito sa mga sakit.
Nasa 25-30% pa lamang naman aniya ang mga nababakunahang bata sa lungsod kaya pinapaigting nila ang kampanya dito upang mapabilis ang paghahatid ng serbisyo sa mga batang nangngailangan ng bakuna.