Dagupan City – Dahil sa tumitinding mainit na panahon at maalinsangan na kapaligiran na nararanasan ngayon, mahigpit na nagpapaalala ang City health Office sa publiko ukol sa dobleng pag-iingat na dapat gawin at tandan upang makaiwas sa mga sakit na maaring makuha ngayong panahon o ang mga heat related incident.
Ayon sa naging panayam kay Dr.Ma. Julita De Venecia ang siyang City Health Officer ng Dagupan City Health Office na patuloy ang kanilang monitoring sa mga sakit na naitatala ngayong mainit ng panahon gaya na lamang sa pagtaas ng high blood pressure, hypertension, pagkakaroon ng ubo at sipon at iba pa.
Aniya na wala pa naman din silang naitatala na kaso ng heat cramps, heat stroke marahil sa mga malalaking hospital na rin sila nagpapa-admit.
Kaya naman kaugnay nito ay kinakailangan ang dobleng pag-iingat lalong lalo kapag nasa labas at ugaliin ang pagsusuot ng mga maninipis na damit na makakatulong para maging presko at ang palaging pag-inom ng tubig.