Dagupan City – Iniulat ng City Health Office (CHO) dito sa lungsod ng Dagupan na wala pa silang naitalang kaso ng rabies sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga biktima ng nakakagat ng hayop.
Ayon kay Dr. Ophelia Rivera ang Medical Officer IV ng nasabing opisina na ang animal bite ang nangungunang kaso na kanilang sineserbisyuhan dahil sa bawat araw nasa nag-aaverage sila ng nasa 150-200 patient.
Aniya na karamihan sa mga nabibiktima dito ay mga mismong pet owners o mga nag-aalaga ng pusa at aso dahil sa maling paraan ng pagpapakain at hindi sinasadyang nasasaktan o naapakan.
Madalas na pangunahing salarin na mga hayop na nakakagat ay mga aso at pusa dahil bihira naman sa iba pang alagang hayop.
Saad nito na noong nakaraang taon ay may buwan na dinagsa ang kanilang health office dahil sa dami ng mga nakagat kaya parang hindi na bago ang mga ganitong kaso sa lungsod.
Dagdag nito na mataas parin ang nagiginh bilang ng biktima nito sa barangay ng Bonuan Gueset dahil sa dami din ng populasyon nito.
Samantala, may sapat na supply pa naman ng anti-rabies vaccine sa kanilanv opisina ngunit limitado na lamang ang ibinibigay sa bawat pasyente.
Bagamat apat na doses ang ideal, ang libreng ibinibigay na lamang nila ay ang una at ikalawang doses upang mas marami pang matulungan at mabigyan nito.
Para sa ikatlo at ikaapat na doses, inirerekomenda ng CHO na bumili na lamang ang mga pasyente sa mga botika ngunit maaari namang hatiin ang isang vial para sa dalawang tao.
Dahil dito, layunin ng CHO na maitaguyod ang personal na responsibilidad ng bawat indibidwal na hindi sila umaasa sa libreng bakuna para umiwas na sila sa posibleng maulit na pagkagat sa kanila ng kanilang mga alagang hayop dahil batay sa kanilang tala may mga pasyente silang nakakagat nang apat na beses sa loob ng isang taon.
Dahil dito, patuloy nilang paalala na maging responsableng pet owners upang hindi makakagat ang kanilang alaga o sila mismo ay hindi maging biktima nito.