Ikakasa na mamayang alas-2 ng hapon sa New Devenicia Road Extension ang deployment ng medical team ng City Health Office kasama ang ilang ospital at medical organization dito sa lungsod ng Dagupan para sa Bangusan Street Party Kalutan Ed Dalan 2025.
Ayon kay Dr. Ma. Julita De Venecia ang Officer-in-Charge ng Dagupan City Health Office na mas maaga silang maglalagay ng mga medical team bago magsimula ito habang naghahanda sa mga stage at tent para sa aktibidad.

Aniya na bilang paghahanda, nagkaroon na ng coordination meetings ang lahat ng mga medical personnel sa lungsod para matiyak ang ligtas at maayos na pagdiriwang sa isang pinaka-highlight event ng Bangus Festival 2025.

Saad pa nito na ang mga inaasahan nilang magiging medical issue na matutuganan ay mga indibidwal na mahihilo, tumaas ang blood pressure at heat exhaustion dahil sa mainit ang panahon.

--Ads--

Ibinahagi rin ni Dr. De Venecia ang mga hamon na kanilang naranasan sa mga nakaraang taon, partikular na ang pagdaan ng mga ambulansya dahil sa dami ng tao.

Tinitiyak naman nila na gagawin ang lahat upang mapabilis ang pagresponde ng mga ambulansya sa anumang pangangailangan

Nanawagan at nagpaalala ito sa publiko na maging maingat sa pagpunta dito mamaya kung saan sa mga may sakit na dinaramdam na gustong makisaya ay magdala ng gamot at kasama upang may makakatuwang kung sakaling kinakailangan ng medikal na atensyon.

Inirerekomenda rin ang pagdala ng inumin, payong, at pagkain upang maiwasan ang pagkahilo.