Dagupan City – Nakatakdang maghain ang Dagupan City Government ng ordinansa na nagbabawal ng road racing sa mga pumpublikong kakalsadahan ng syudad.

Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, nang malaman niya ang balitang pina-follow up ng indurance rae sa lungsod ay agad itong gumawa ng aksyon na naglalayong ipagbawal ang nasabing aktibidad.

Aniya, bagama’t nakasaad sa batas na ang De Venecia Road ay pagmamay-ari ng publiko, ay malinaw naman na ang mga makakapanood sa mga ito ang mga residente ng lungsod at mga kabataan na siguradong gagayahin din ang nasabing road race.

--Ads--

Binigyang diin naman nito ang striktong panukala sa lungsod kung saan ay prayoridad ang kaligtasan ng mga motorista gaya na lamang ng wearing of helmet policy.

Siniguro naman nito na ang mga miyembro ng komite sa transportasyon sa lungsod na ipapasa nila sa kongfreso ang ordinansang nagbabawal sa nasabing aktibidad.

Nang tanungin din kasi aniya ang toursim office sa syudad kung ano ang magandang maidudulot nito sa kanilang lungsod, ay wala silang maipresentang positibo bagkus ay mas lalagayap pa ang potensyal ng aksidente at ang polusyon.