Nakahanda ang city government ng Dagupan na bumili ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Ayon kay Dagupan City Mayor Marc Brian Lim, ang pamahalaan ng Dagupan ay mayroon ng initial na pondo na PHP10 million.

Nagpadala na umano siya ng sulat sa Inter-Agency Task Force (IATF) na nagpapahayag ng intensyon ng pagbili ng bakuna sa oras na maging available na sa bansa ang bakuna na aprubado ng Food and Drug Administration.

--Ads--

Nais aniya nilang bumili ng AstraZeneca, Pfizer, o Moderna vaccine dahil sa pagiging epektibo at mas mababa ang presyo ng mga ito.

Gayunman, nilinaw ni Lim na bibili ng bakuna ang city government ng anumang maaprubahang makakagamot sa sakit.

Nais umano ni Lim na maibilang ang ciudad sa mga unang lungsod sa bansa na makakuha ng bakuna lalo na at may special case dito sa lungsod.

Kung makabili ng bakuna ay magiging prioridad umano ang mga front-liners at mga senior citizens.