DAGUPAN CITY — Labis na kagalakan at pasasalamat ni City Councilor Michael Fernandez, Dagupan City kaugnay sa pagiging Regional Winner nito na Panday Mambabatas 2023 Award (Parangal ng mga Dalubhasa at Mahuhusay na Mambabatas).
Sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, pinasalamatan niya ang Department of Interior and Local Government dahil nakita ang performance ng ciudad.


Saad nito na tumanggap na tatlong awards ang ciudad na kinabibilangan ng most outstanding city councilor, top notcher pagdating sa imprastraktura para maka-attract ng mga negosyante at buhay na buhay ang ekonomiya ng ciudad at gayundin sa resiliency ng ciudad kung saan kahit anong pagsubok na pinagdaanan ng lungsod ay patuloy na nakatayo ang local na ekonomiya.


Hindi pa rito nagtatapos dahil nakuha rin ng ciudad ang award patungkol naman sa City Anti-Drug Abuse Council dahil sa magandang polisiya at program sa paglaban sa illega na droga.

--Ads--


Sinabi ni Fernandez na hindi sa kanya ang nakuhang award kundi alay sa mga Dagupeño.


Aniya, ang anumang accomplishment ng Sangguniang Panglungsod o silang local legislator ay dahil sa patuloy na suporta ng mga mamamayan.


Nangako naman siya na habang nasa serbisyo ay patuloy niyang nasa puwesto ay gagawin ang kanilang tungkulin.