Dagupan City – ‎Nananatiling maayos ang sitwasyon sa mga bus terminal sa Dagupan habang nagsisimula nang tumaas ang galaw ng mga pasahero para sa holiday rush.

Ayon kay Terminal Master Ely Mera, may dumarami nang nag-a-advance booking simula pa noong ikalawang linggo ng Nobyembre, kabilang ang mga gumagamit ng online reservation.

‎Inaasahang lalo pang sisikip ang passenger flow pagsapit ng Disyembre 20, na karaniwang tuktok ng biyahe para sa mga uuwi bago ang Pasko.

Sa kabila ng posibleng pagdagsa, mananatili sa 10 hanggang 15 minuto ang pagitan ng mga biyahe sa ilang pangunahing ruta upang mapanatili ang tuloy-tuloy na operasyon.

‎Nakahanda ring magsagawa ng inspeksyon ang mga awtoridad sa mga terminal upang tingnan ang kondisyon ng mga bus at dokumentasyon ng mga operator.

--Ads--

Bahagi ito ng regular na paghahanda para matiyak na nasa tamang kundisyon ang mga unit sa panahon ng mas mataas na volume ng pasahero.