BOMBO DAGUPAN -Nananawagan na sana ang ma-appoint ay mula sa academe para mapulsuhan ang pangangailangan sa sektor ng edukasyon.

Yan ang naging sambit ni Arlene James Pagaduan President, Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers (ASSERT) Central Luzon kaugnay sa pagkakatalaga ni Senator Sonny Angara bilang bagong DepEd Secretary.

Bagamat ay iba ang kanilang panawagan aniya ay “well verse” naman si Angara kaya’t umaasa ito na malaki ang magiging kontribusyon niya sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon sa bansa.

--Ads--

Kaugnay nito ay nanawagan din siya na itaas ang pasahod sa mga guro na mula sa salary grade 11 ay maitaas ito sa salary grade 19 at kung maaari ay salary grade 20 pa. Matatandaang kailan lang naging salary grade 11 ang sahod ng kaguruan na matagal na napako sa salary grade 10.

Samantala, dahil bahagi din ng EDCOM 2 si Angara aniya ay alam naman nito na hindi naging matagumpay o failure ang K-12 program kaya’t mainam na tingnan na lamang ng mabuti ang pangangailangan sa sektor ng edukasyon.

Ukol din sa MATATAG Curriculum na kasalukuyang gumgulong, ay naka’y Angara na aniya kung ipagpapatuloy niya ito o maghaharap siya ng bagong programa.