Hindi pangmatagalang solusyon kundi band aid solution lamang ang programa ng pamahalaan na P20/kilo na bigas.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jerome Adonis Secretary General, Kilusang Mayo Uno kahit palawigin pa ng pamahalaan ang mga maaaring makabili nito ay isa parin itong pansamantalang tugon o solusyon sa totoong problema ng bansa.
Aniya na mas mainam na aprubahan na lamang ang matagal ng panawagan na legislative wage hike dahil karapat-dapat na magkaroon ang mga manggagawa ng nakabubuhay na sahod.
Bagama’t ay nagtataka sila kung bakit napakatagal at laging delay ang pag-abruba ng panukalang ito gayong ang pangako ng Pangulo ay mas magaan na buhay para sa mga manggagawa.
Saad ni Adonis na tila mas pinapaburan o nagiging sunod-sunuran ang pamahalaan sa economic policy ng mga dayuhang korporasyon at tila ba mas piniprotektahan nila ang kanilang interes.
Sa halip na pangalagaan at isulong ang dagdag pasahod para sa mga manggagawang Pilipino.
Dapat ay tingnang mabuti ang totoong kalagayan ng mga manggagawa at bigyang solusyon ang mga problemang kanilang kinakaharap.
Ang mga manggagawa at ordinaryong mamamayan ay dapat magkaroon ng dagdag pasahod dahil kung tutuusin ang mga ibinabayad nating buwis ay napupunta lamang sa mga korap sa gobyerno.
Kaya’t aniya ay panahon na para magsalita at kumilos sa kung ano ang dapat na kinakailangan ng mga manggagawa.