Hihirit ng dagdag na pamasahe na minimum na P15 kada isang kilometro ang sektor ng transportasyon sa bansa.
Ayon kay Bernard Tuliao, Presidente ng Alliance of United Transport Organization Provincewide o AUTOPRO Pangasinan,
malaking problema sa hanay ng transportasyon ang sunod sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Aminado si Tuliao na medyo mataas pero baka may mangyari pa umanong bargaining kaya iminungkahi sa P15 ang taas pasahe.
Hindi tulad aniya noong taong 2008 ang presyo ng krudo ay nasa P31-P32 pero ngayon ay nasa P52-P53.
Dahil dito ay halos wala ng maiuwing kita ang isang drayber sa kaniyang pamilya dahil nauubos na sa krudo.
Ang dating kinikita na P300 ay naging P200 na lamang kaya ang ibang drayber ay naniningil ng sobra.
Sinabi pa niTuliao na sa Lunes ay magpapapirma na sila sa ibat ibang ahensya ng gobyerno ukol sa kanilang hinihiling na dagdag pamasahe bago nila ihain sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
Samantala, hindi pa napagplanuhan ang pagsasagawa ng transport strike.
Sinabi naman nito na dadaanin pa nila sa magandang usapan at sila ay umaasa na didingin ng DOTr at ng LTFRB ang kanilang hinaing.