Mararanasan ang magkahalong epekto sa mga motorista ng bagong anunsyo ng mga kompanya ng langis tungkol sa galaw ng presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Matapos ang anim na sunod-sunod na linggong pagtaas, bababa na ang presyo ng gasolina, habang muling tataas naman ang presyo ng diesel at kerosene, ayon sa abiso ng mga fuel retailer.

Ayon sa inilabas na advisory ng Shell Pilipinas Corp., bababa ng P0.20 kada litro ang gasolina.

--Ads--

Samantalang magdadagdag ng P0.60 kada litro sa diesel at P1.30 kada litro sa kerosene.

Parehong galaw din ang ipatutupad ng Cleanfuel, maliban sa kerosene na hindi bahagi ng kanilang produkto.

Ipinaliwanag ng mga kompanya na ang mga pagbabago sa presyo ay dulot pa rin ng paggalaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado, kung saan nananatiling volatile ang presyo ng crude oil dahil sa pagbabago ng supply, demand, at geopolitical tensions.

Epektibo ang mga bagong presyo simula kaninang 6:00AM ngayong araw, Nobyembre 25, 2025, para sa karamihang kumpanya ng langis.

Samantala, 4:01 PM naman nagpatupad ng bagong presyo ang Cleanfuel ngayong araw.