Dagupan City – Magkakaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong langis sa susunod na linggo.

Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) na maaring magtaas ng hanggang P0.05 kada litro ang diesel.

Habang mayroong pagbaba sa gasolina ng hanggang P0.80 sa kada litro.

--Ads--

At ang kerosene na magtataas ng hanggang P0.40 sa kada litro.

Nakikita pa rin ng DOE ang dahilan ng pagtaas ay ang nagaganap na political tensyon sa Gitnang Silangan.