Nakatakdang pag usapan sa Multi-Agency Emergency Meeting ngayong araw ang patungkol sa pagpapasara ng Daang Kalikasan at Daang Katutubo dahil sa pagdagsa ng mga tao sa nabanggit na mga lugar.
Dahil sa pagdagsa umano ng mga bisita sa lugar ay naabala ang konstruksyon ng daan, tumatambak ang mga basura at nagiging sanhi ng mga serious accident tulad ng forest fires at marami pang iba.
Isasagawa ang pagpupulong sa Magilas Hall sa Pangasinan Police Office sa bayan ng Lingayen.
Ang daang kalikasan na matatagpuan sa bayan ng Mangatarem ay bahagi pa ng gingawang kalsada ng Build,build, build program ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay short cut highway na ginagawa papuntang Santa cruz zambales. Naging isa nang tuorist attraction ang lugar dahil parami ng parami ang namamasyal sa nabanggit na lugar.