BOMBO DAGUPAN – Daan-daang sea lion ang nagtipon sa San Carlos Beach sa Monterey sa California nitong linggo dahilan upang pansamantalang isara ang beach.
Ayon sa isang footage nagsimula ang mga ito na tumahol at tumatamlay sa ilalim ng maulap na kalangitan. Ang ilan ay nasa mabuhanging dalampasigan, habang ang iba naman ay lumalangoy sa tubig.
Saad ng mga opisyal ng lungsod na ang pagdagsa ng mga ito ay taunang pangyayari.
Matatagpuan sa gitnang California, ang Monterey ay isang pahingahang lugar para sa mga sea lion sa pagitan ng kanilang breeding grounds ng Channel Islands ng southern California at ang tubig ng hilagang California.
Ayon sa mga opisyal ng ay ine-enjoy ng mga sea lion ang beach at ang Monterey Bay tulad ng kanilang ginagawa.
Kaugnay nito ang San Carlos Beach ay mananatiling sarado hanggang sa susunod na abiso.
Hiniling naman ng mga opisyal ng Lungsod ng Monterey sa mga bisita na manatili nang hindi bababa sa 150 talampakan ang layo mula sa mga sea lion at anumang marine mammal.