Dagupan City – Nagsagawa ng malawakang humanitarian medical mission ang Americares Philippines, sa Barangay Guelew Multi-purpose Gymnasium sa lungsod ng San Carlos, bilang tugon sa mga pangangailangang pangkalusugan ng mga pamilyang naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo sa rehiyon.

Pinangunahan ang misyon ni Head Medical Officer Dra. Elem May Vila Sanchez-Asis, katuwang si Paul Gwyn L. Pagaran, Country Director ng Americares Philippines, sa mahigpit na pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng San Carlos na pinamumunuan nina Mayor Julier “Ayoy” Resuello at Vice Mayor Joseres “Bogs” Resuello. Kasama rin sa koordinasyon ang City Health Office sa pangunguna ni Dra. Susan Benitez.

Nagkaloob ang Americares ng libreng konsultasyong medikal at pamamahagi ng mga pangunahing gamot sa mga residente, lalo na sa mga lubos na nasalanta ng kalamidad.

--Ads--

Daan-daang kababayan ang nabigyan ng agarang serbisyong medikal, kabilang ang mga senior citizens, buntis, bata, at mga indibidwal na may umiiral na karamdaman.

Bilang isang international NGO na nakatuon sa kalusugan, patuloy ang pagtugon ng Americares sa mga krisis at sakuna sa bansa, mula nang itatag ang kanilang sangay sa Pilipinas matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda

Sa kanilang bawat misyon, layunin ng organisasyon na maibalik ang dignidad at kalusugan ng mga komunidad sa gitna ng trahedya.

Sa tulong ng koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga humanitarian partners, naging maayos at matagumpay ang isinagawang medical mission sa San Carlos para sa mga apektado ng kalamidad.