Nagsagawa ng daan-daang airstrike ang mga Israeli warplanes sa Syria, kabilang na ang Damascus simula nang bumagsak ang rehimen ni Bashar al-Assad.
Ayon sa UK-based Syrian Obervatory for Human Right (SOHR), na nakapagtala sila ng higit 130 pag-atake mula sa Israel Defense Forces (IDF) simula noong linggo.
Habang, kinumpirma naman ng IDF ang pag-ooperate ng kanilang tropa sa teritoryo ng Syria sa demilitarized buffer zone sa pagitan ng Syria at Israeli-occupied Golan Heights.
--Ads--
Dagdag pa nila na ang kanilang pag-atake ay upang mapigilan ang mga armas na mapunta sa kamay ng mga ‘extremists’ habang nasa transition ang Syra sa post-Assad era.