Mga kabombo? Sawa ka na ba sa mga buwaya sa Pilipinas? Baka pwede mo ito ipa-auction sa China.

100 toneladang mga buhay na buwaya ang ipinasok ng isang korte sa China sa ikatlong pagkakataon dahil sa naluging kumpanya.

Inanunsyo ng Shenzhen Nanshan People’s court ang kakaibang auction para sa halos 200-500 na mga buwaya kung saan ang presyo ay nagsisimula sa 4 million yuan o higit P31-million.

--Ads--

Naging pag-mamay-ari ng Guangdong Hongyi Crocodile Industry Company ang mga nasabing buwaya kung saan founder nito ay ang tinaguriang “Crocodile God” na si Mo Junrong.

Ngunit, nabigo ang kumpanya na magampanan ang financial obligations nito at napilitang ipa-liquidate ang kanilang mga pagmamay-ari, kabilang na ang toneladang mga buwaya.

Ang mga ito ay uri ng Siamese crocodiles na siyang komersyal na pinapalaki at bahagi ng trading industry sa China.

Gayunpaman, hindi interesado ang korte na gastusan ang shipping fee o gagamitin transportasyon upang ipadala ang mga ito. At wala rin silang mahanap na buyer na handang kunin ang mga buwaya.

Ang sinumang interesado na bumili ng daan-daang reptilya ay kailangang sagutin ang mga gastos sa koleksyon, kabilang ang paghuli at pag-iimpake ng mga hayop. Ang mga mamimili ay dapat may lisensiya para sa artipisyal na pagpaparami ng aquatic wildlife para sa mga buwaya at magkaroon ng angkop na lugar para sa kanilang pag-aalaga.

Wala pang nagparehistro para sa auction. Maaaring ito na ang ikatlong pagkabiguan sa kanilang pagtatangka na maibenta ang mga buwaya.

Ang huling mga auction ay ginanap noong Enero at Pebrero na may panimulang presyo na 5 milyong yuan, ngunit ibinaba ito sa 4 na milyon. Wala pa ring nag-bid sa alinman sa mga auction.