Tiniyak ng Department of Agriculture na mayroong sapat na suplay ng bigas at ibang mga agricultural products hanggang matapos ang “Super El Niño,” .
Ayon kay Agriculture spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa na dahil sa phenomenom ay inaasahan na mawawalan ng hanggang 700,000 metric tons ng palay ang bansa.
Nagpapatuloy ang local production sa pamamagitan ng National Food Authority (NFA) at tuloy-tuloy ang kanilang pagbibili ng mga palay sa mga magsasaka.
--Ads--
Binigyang halaga ng opisyal na dapat ay mas maraming mga cold-storage facility ang bansa para doon ilagay ang mga agricultural products.
|Via Bombo Jovino Galang










