Lalo pang hinigpitan ng Department of Agriculture Region I ang monitoring sa mga swine products kasunod ng pagkumpirma na nagpositibo sa African Swine Fever ang 14 sa dalawampung blood samples ng baboy na pinasuri ng Department of Agriculture sa United Kingdom.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lucrecio Jun Alviar Director ng Department of Agriculture Region 1, na hindi papapasukin ang mga baboy mula sa ibang rehiyon kung walang maipapakitang health certificate na magmumula sa kanilang Provincial Veterinary Office.
Bagamat hindi aniya ito makakasama sa tao ay maari naman itong kumalat sa mga baboy na kapag nakapasok sa lalawigan ay tiyak na sisira sa industriya nito lalot marami na ang nag-aalaga ng baboy sa probinsiya.
Nauna rito inihayag ito Agriculture Secretary William Dar na ginagawa na ng kagawaran ang lahat para matiyak na hindi lalaganap ang nasabing sakit ng hayop.
Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na “cleared” na sa ASF ang bahagi ng Rizal at Bulacan na inilagay sa quarantine kasunod ng mga insidente ng pagkamatay ng mga baboy at nalinis na rin ang mga lugar na nasa 1-kilometer radius.
Ang outbreak ng ASF sa mga baboy ay naitala sa ilang mga bansa sa Asya gaya ng Vietnam, Laos at China