Kinumpirma ng Department of Agriculture-Regional Field Office 1 na mayroong shortage o kakulangan sa anti-rabies vaccine para sa tao sa buong mundo.
Ayon kay Dr. Sigrid Agustin, Alternate Regional Rabies Coordinator patuloy ang babala ng kanilang tanggapan sa publiko na iwasang makagat o makalmot ng aso o pusa lalo’t may shortage umano sa supply ng anti-rabies vaccine para sa tao.
Sa katunayan aniya, may ilang mga LGU mula sa iba’t ibang bayan na nagkukusa ng mag-purchase ng naturang bakuna. Ito’y dahil umano sa kagustuhan ng mga kinauukulan o ng mga namumuno sa kanila na makamit ang zero casualty pagdating sa kaso ng rabies.
Kaugnay nito, patuloy ang pakikipagtulungan ng kanilang tanggapan sa mga kinauukulan para mas matutukan ang pagbabakuna sa mga hayop kontra rabies.
Sinabi ni Agustin na sa ganitong paraan ay maari pa ring maiwasan ang posibilidad na paglaganap ng rabies.