Umabot na sa mahigit 50% ang kabuuang bilang ng mga binhi ang naipamigay ng tanggapan ng Department of Agriculture o DA Region 1 sa mga magsasaka.

Sa naging pahayag ni DA Region 1 Executive Director Jun Alviar Lucrecio, tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi nila ng iba’t-ibang uri ng buto ng gulay na maaaring pakinabangan ng mga local farmers at maging ng mga residente sa isang lugar.

Pagdating naman aniya sa distribusyon ng palay, naabot na ang 307 o katumbas ng 52% ang bilang ng mga binhi na kanilang naipamigay sa iba’t-ibang probinsya ng ating rehiyon.

--Ads--

Giit ni Lucrecio na ang pagbibigay ng binhi ay hindi lamang nagmumula sa kanilang ahensya kundi katuwang din nila ang mga attatched agencies gaya ng PhilRice.

Bagamat nagkakaroon ng kaunting pagka antala sa distribusyon, sinisiguro naman ng kanilang tanggapan na maabutan ng tulong sa pamamagitan ng libreng binhi ang mga magsasaka.

DA Region 1 Executive Director Jun Alviar Lucrecio

Patungkol naman aniya sa mga makinarya, patuloy pa rin ang kanilang pag accredit o pagsiyasat sa mga kwalipikadong residente o magsasaka na maaaring maka avail ng iba’t-ibang farm machineries gaya ng tractor at kuliglig.

Kabilin-bilanan aniya din aniya ni DA Sec. William Dar, hanggat maaari dapat lahat ng mga magsasaka ay magkaroon ng mga makinaryang gagamitin sa kanilang mga sakahan.