DAGUPAN CITY–Hinikayat ng Department of Agriculture o DA Region I ang mga hograisers na ipatupad ang mas mahigpit na implementasyon ng bio-security measures at palagiang disinfection upang maiwasan pa rin ang pagkalat ng African Swine Fever o ASF.

Ito ay kasunod na rin ng sunod-sunod na Culling Operation na isinagawa sa ilang mga bayan na naapektuhan ng African Swine Fever o ASF .

Pinayuhan din ng tanggapan na huwag ng magpapasok ng mga baboy mula sa mga infected area upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na posibleng makapagdulot ng mas malaking problema.

--Ads--

Kung matatandaan mula sa 6 na kaso ng ASF sa Probinsya ay muli itong nadagdagan makaraan na makapasok na rin ang naturang sakit sa bayan ng Lingayen.

Sa ngayon ay tuloy tuloy naman ang surveillance na ginagawa ng Provincial Veterinary Office sa mga kalapit na bayan na apektado ng ASF upang malaman ang sitwasyon sa iba pang mga lugar sa Lalawigan.