Pinawi ng Agriculture sector ang pangamba sa ipinataw na 17 percent na tariff ng Estados Unidos sa mga produktong iniluluwas ng Pilipinas sa US.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel na maituturing pa rin itong magandang balita dahil maliit ang 17 percent kung ihahambing sa export tariff na ipinataw ng US sa mga malapit na kakumpitensya ng Pilipinas sa larangan ng export.
Tinukoy ni Laurel ang bansang Vietnam na pinatawan ng US ng 46 percent tariff at ang Thailand na 46 percent.
Dahil dito, mas magkakaroon ng malaking oportunidad ang Pilipinas na makapag-export ng produkto sa US.
Ayon sa kalihim, ang pangunahing ini-export ng Pilipinas sa US ay niyog, isdang bangus at sea weeds.
Nais ng kalihim na magkaroon ng kumpletong listahan ng mga produktong ini-export sa US upang makita kung alin ang tatamaan ng reciprocal tariff ng US.