BOMBO DAGUPAN- Naaalala niyo pa ba ang CrowdStrike, mga kabombo?
Tinanggap lang naman nila ang “Most Epic Fail” Award kasunod ng kanilang faulty software update na naging sanhi ng global IT outage.
TInanggap ng kanilang presidente na si Michael Sentoans ang naturang parangal sa 2024 Pwnie Awards. Ang Pwnie Awards ay ang annual ceremony upang iselebra at pagtawanan o pagkisayahan ang mga achievements at ang failures sa security researchers.
Naganap ito noong nakaraang Agosto 10 sa Def Con hacker convention sa Las Vegas, kung saan ang Crowdstrike ang may pinakamalaking booth.
Ayon kay Sentonas, hindi sila proud sa pagtanggap ng parangal na ito ngunit nasurpresa ang kanilang team nang kaniyang sinabinh tatanggapin niya ito.
Ito rin ay pagpapakita aniya na inaako nila ang pagkakamali kaugany sa nakaraang global IT outage.
Dagdag pa niya na dadalhin nila ito sa kanilang headquarters at ilagay kung saan makikita ito ng mga tao. Aniya, ito ang magpapaalala sakanila na ang kanilang launin ay ang protektahan ang mga tao.