Ipinatutupad ngayon ang curfew sa ilang bahagi ng Nagpur City, sa India matapos sumiklab ang kaguluhan hinggil sa pagpapaalis ng mga grupo ng Hindu sa libingan ni Aurangzeb.
Si Aurangzeb ay ang 17th century Mughal emperor ng nasabing bansa. Ang libingan ni Aurangzeb, na namatay mahigit 300 taon na ang nakalipas, ay naging sentro ng kontrobersya sa mga nakaraang taon dahil sa lumalakas na panawagan ng mga radikal na grupong Hindu na ito’y alisin.
Nagsimula ang marahas na kaguluhan matapos ang dalawang organisasyon ng Hindu, ang Vishwa Hindu Parishad at ang Bajrang Dal, ay sinunog ang effigy ng emperor habang ipinagsisigawan ang pagpapaalis ng libingan nito.
Nagkaroon naman ng evening prayers ang mga nagtipon-tipon na 250 na mga muslim na kalalakihan atsaka sinilaban ang mga sasakyan at pinagbabato ng bato ang bahagi ng Mahal sa nasabing lungsod.
Ayon naman sa mga kapulisan, kontrolado na nila ang sitwasyon at hinihimok na lamang ang mga tao na panatiliin ang kapayapaan.
Samantala, higit 50 naman ang nadetine dahil sa pangyayari habang 33 kapulisan naman ang sugatan.
Nanantili naman sarado ang ilang gusali at pamilihan sa central area ng nasabing syudad at lalo pang hinigpitan ang seguridad.