Kinumpirma ni vice governor Mark Lambino na binago ang pinaiiral na curfew hour dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Lambino, mula ala-otso ng gabi hanggang ala-5 ng umaga ay ginawang ala-8 ng gabi hanggang ala-4 ng umaga ang haba ng curfew hour.
Ipinaliwanag niya na kasunod ng binagong community quarantine status ng lalawigan ay nagkaroon din ng mga bagong guidelines ang national IATF.
Pero nagtakda din naman ng patakaran ang IATF kung kailan puwedeng lumabas ang mga edad 15 anyos pababa at 65 pataas.
Dagdag pa ng opisyal na inagahan ang curfew para makapagbukas ng mas maaga ng kanilang negosyo ang mga negosyante at hindi maapektuhan ang pagpasok sa trabaho.
Nagpaalala naman si Lambino sa publiko na mag ingat parin at iwasan na magliwaliw habang nananatili ang pandemic.