Kasalukuyang inaaapula ang sunog sa may CSI Lucao sa may bandang grocery area.

Base sa nakalap na impormasyon ng bombo radyo dagupan news team, nagsimula ang sunog alas-3 kaninang madaling araw. Malaking parte ng csi warehouse lucao ang nasunog partikular sa grocery section.

Ayon sa pahayag ng isang guwardya, may narinig na pagputok mula sa bodega.

--Ads--

Agad namang rumisponde sa sunog ang mga kasapi ng BFP mula sa mga kalapit bayan at lungsod.

Hindi pa malaman ang sanhi ng sunog at ang kabuoang halaga ng pinsala habang patuloy na iniimbestigahan ang pangyayari.