Dagupan City – Usap-usapan ngayon sa social emdia ang post ng young actress na si Criza Taa.
Ayon sa ulat, tila ba kabilang kasi si Criza sa mga babaeng ginagamit ang technique na “face card” para mabayaran ang kaniyang bill sa pagkain.
Sa social media post kasi nito kamakailan sa isang night out, inilagay nito ang kanyang pakikipagsapalaran para sa kanyang mga tagasubaybay sa social media platform.
Kung saan ipinost nito sa kaniyang story ang selfie na may hawak na isang tasa ng noodles, sabay caption sa post ng “not me going out without any card and cash, face card na lang i guess??? sabay hashtag ng #iforgotmymoney”.
Hanggang sa pagsapit ng madaling araw, muling nagpost ito sa kaniyang huling update.
Sa Gen Z slang, ang “face card” ay tumutukoy sa pagiging physical na maganda ng isang tao. Ang termino ay mapaglarong ginagamit upang magmungkahi na ang hitsura ng isang tao ay napakaganda kaya ito ay maaaring metaporikal na “magbayad”.
Sa kontekstong ito, naging daan daw ni Criza ang facecard para mabayaran ang kaniyang bill dahil sa nakalimutan niya ang kaniyang wallet.